Ikasampu, ika-10
IKASAMPU, IKA-10 walang gitling ang ikasampu iyan ang wasto pag nagdugtong ang panlapi't salitang ugat balarila'y alam mo dapat may gitling na pag ika-10 iyan ang wastong pagdurugtong ng panlapi at ng numero balarila'y batid mo dapat ikasampu ngayon ng Marso ika-10 ngayon ng Marso pansinin mo ang gamit nito balarila'y tinurò ito meron ka sanang natutunan sa abang makatâ ng bayan túrong ito'y pakatandaan nang wasto'y gamitin ng tanan - gregoriovbituinjr. 03.10.2026 *litrato mulâ sa larong Word Connect sa selpon