Posts

Showing posts from March, 2024

Ang salin ng lobo

Image
ANG SALIN NG LOBO sa wikang Filipino sinasalin ang lobo na wolf o balloon dito naunawa ba ito "The wicked wolf"  ang salin ay  "Ang masamang lobo" tanong naman sa krosword ay  "Balloon sa Tagalog" di tayo nalilito sa wikang Filipino ngunit ang mungkahi ko wolf ay di dapat lobo pabulang kakathain ko'y  "The Wolf and the Balloon" na salin ko'y ganito: "Ang Lobo at ang Lobo" ang balloon na ang lobo marahil wolf ay wolpo upang maiba ito pag sinalin ng dayo - gregoriovbituinjr. 03.09.2024 * palaisipan mula sa pahayagang Pang-Masa, Marso 9, 2024, p.7 * aklat na "The Wicked Wolf" na may salin na "Ang Masamang Lobo"