Posts

Showing posts from November, 2024

Balagtas mula bagtas, kalamyas mula kamyas

Image
BALAGTAS MULA BAGTAS, KALAMYAS MULA KAMYAS Sa lalawigan ni Itay sa Batangas, ang tawag sa bungang KAMYAS ay KALAMYAS na madalas isahog sa sinaing na tulingan. Nadagdagan ng "la" ang KAMYAS. Kumbaga, ang kamyas sa Maynila ay kalamyas sa Batangas. Ang aking ama'y mula sa Balayan kung saan palasak ang sinaing na tulingan. Ang kalamyas na pinatuyo mula sa pagkabilad sa araw ang paborito kong papakin sa sinaing na tulingan. Mas napansin ko ang paggamit sa "la" ngayon nang talakayin ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario na ang BALAGTAS ay mula sa salitang BAGTAS. Tulad din ng kalamyas na nadagdagan ng "la" sa salita. Binabasa ko ang aklat na Kulo at Kolorum ni Almario, pahina 31, at nabanggit niya iyon. Ayon sa kanya, "Una, dahil isang totoong Tagalog na salita ang  "balagtas" - varyant ng "bagtas"   at katumbas ng shortcut natin sa Ingles. Ikalawa, bahagi ng kadakilaan ng Florante at Laura ang idinulot...

Pambungad sa libretong "Malayang Salin ng mga Tula ng mga Makatang Palestino"

Image
PAMBUNGAD Ang aklat ng salin na ito ng mga tula ng mga makatang Palestino ay sinimulan noong Oktubre 1, 2024, na sana’y tuloy-tuloy sa buong Oktubre, at abutin ng Nobyembre 29 para sa International Day in Solidarity with the Palestinian People. Bawat araw ay may isang tulang isinalin. Subalit natigil ito noong Oktubre 23, 2024 dahil si misis ay isinugod sa ospital dahil sa pananakit ng kanyang tiyan. Nakita na ang kanyang sakit ay venous thrombosis o blood clot. Sinasabi ng mga doktor na rare case daw ang kay misis dahil bihira raw ang kasong blood clot sa bituka Sana’y makaraos at gumaling si misis sa kanyang sakit na ito, habang ako’y nakabantay at nakatira na rin halos sa ospital.  Kahit nasa ospital kami ni misis ay nakikiisa pa rin ako (o kami) sa laban ng mga Palestino upang lumaya sila sa kuko ng mga buhong na sumakop sa kanilang bansa. Kailangan nilang makamit ang Kalayaan, Independencia, Kasarinlan, Freedom, Liberty (na siyang ngalan ng aking asawa). Sa paglulunsad ng mga...