Posts

Showing posts from July, 2020

Dagsip

Image
DAGSIP may katawagan palang katutubong Filipino sa matematika'y magagamit nating totoo halina't itaguyod ang katawagang ganito sa tula, dagli, ulat, sanaysay, maikling kwento titik 0 ang dagsip sa wala, 1 para sa isa 2 sa dalawa, 3 sa tatlo, 5 naman sa lima 4 sa apat, 6 sa anim, pito'y 7, ano pa 8 sa walo, 9 sa siyam, bata pa'y tinuro na korteng kurus ang dagsip sa pagdagdag o adisyon gitling naman ang dagsip sa pagbawas o subtraksyon ekis naman ang dagsip para sa multiplikasyon tutuldok-gitling o guhit-pahilig sa dibisyon dagsip, oo, dagsip ang tawag sa mga simbolo o markang ginamit para sa bilang o numero salitang Hiligaynon, may magagamit na tayo sa aritmetika't mga paksang kaugnay nito o, dagsip, na sa aming diwa't puso'y halukipkip naroon ka sa ekwasyong tuwina'y nahahagip kung labis o kulang ay tinitimbang, sinisilip ikaw ang sagisag ng sipnayang dapat malirip - gregbituinjr. *  dagsip  - salitang Hiligaynon; simbolo o markang ginagamit para sa mga...