Ilang nakitang pagsasalin
ILANG NAKITANG PAGSASALIN nakunan ko lang ang ilang halimbawa ng salin nang mahagip sa telebisyon ang isang aralin mga likhang salita sa sariling wika natin ito kaya'y magandang sa araw-araw gamitin maganda bang gamitin ang salitang itinumbas sa ating pamumuhay, literatura't palabas ang sipnayan ay matematika, tingin ko'y patas ang salongsuso sa bra, mayroon bang mamimintas dapat bang inimbento ang katumbas na salita upang maipakitang may salin tayo sa bansa o ito'y dapat dumaloy ng kusa at malaya pagkat gamit na't namutawi sa bibig ng madla gagamitin ba natin ang mga salitang ito pagkat parang pilit lang ang salitang inimbento ngunit dumaan din sa kasaysayan ang ganito prosesong pagpapaunlad ng wikang Filipino gawain ng makata na salita'y itaguyod ngunit dapat makata'y kumbinsido't nalulugod gamitin sa pagtula't kami'y inyong abang lingkod kung tatanggapin ng madla, sila ang masusunod - gregoriovbituinjr.