Hanág
HANÁG isa na namang salita ang nakita ko ngayon lalo't kayganda ng mensahe't kahulugan niyon na " dignidad at karangalan sa isang posisyon " kaygandang salita sa kasalukuyang panahon ano ba ang dignidad sa mga may katungkulan upang di sila magmalabis sa kapangyarihan at maiwasan ang paggawa ng katiwalian bakit ba karangalan ay di dapat madungisan HANÁG ang isa nating sukatan ng pulitiko at sa susunod na halalan ay kakandidato di walanghiya, talagang magsisilbi sa tao oo, HANÁG ay isang sukatan ng pagkatao ay, siyang tunay, ganyan kahalaga ang dignidad upang mga kawatan sa gobyerno'y di mamugad kung sira ang HANÁG nila, sila'y dapat ilantad upang sa pamahalaan sila'y di magbumabad. - gregoriovbituinjr. 08.27.2021 * hanág - [sinaunang Tagalog]: dignidad o karangalan sa isang posisyon, mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, pahina 431 * pansining sa pagbigkas, ito'y mabilis pagkat may tuldik na pahilis sa ikalawang pantig, sa tapat ng titik a, n...