Dalawa kong aklat ni Lope K. Santos
DALAWA KONG AKLAT NI LOPE K. SANTOS dalawang mahalagang aklat ni Lope K. Santos ang aking binabasa't iniingatan kong lubos nang makita'y walang alinlangang agad gumastos kahit pa sa kinikitang salapi'y sadyang kapos ang Banaag at Sikat , isang dakilang nobela na nalathala nang higit isangdaang taon na Balarila ng Wikang Pambansa , na gawa niya na akin namang sinasagguni tuwi-tuwina nauna ang isang libro niyang di ko malaman kung saan napapunta o kaya'y nasa hiraman animnapung tulang tiglilimang saknong ang laman katha ni Lope K. Santos, mga tulang kay-inam Banaag at Sikat, nasa aklatan ni Bituin unang sosyalistang nobelang kaygandang basahin Balarila naman ay binasa upang gamitin sa sanaysay, tula, kwento't iba ko pang kathain collector's item at klasiko na ang mga ito di man agad mabasa, mabuting ako'y may libro nakasalansan na sa munting aklatan ko rito na ginawan ko pa ng tulang alay ko sa inyo - gregoriovbituinjr. 01.18.2022 * Ang Banaag at Sikat ay ...