Posts

Showing posts from October, 2022

Pansurò pala ang Tagalog ng dustpan

Image
PANSURÒ PALA ANG TAGALOG NG DUSTPAN Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Binabasa ko ang maikling kwentong "Mga Tinig sa Dilim" ni Rosario De Guzman-Lingat sa kanyang aklat na "Si Juan: Beterano at iba pang kwento", pahina 85-99, nang mapuna ko ang isang salita, na sa tingin ko'y lumang Tagalog sa dustpan.  Karaniwan kasi nating alam sa dustpan ay pandakot, subalit may iba pa pala. Ang pandakot kasi ay hindi lang dustpan kundi maaaring pala na pandakot ng buhangin. Mukhang eksakto ang pansurò para sa dustpan upang hindi maipagkamali sa pala. Basahin natin ang dalawang talata na binabanggit ang pansurò sa pahina 86 ng nasabing aklat: (1) May dala nang  walis at pansurò  ang babae nang magbalik. Maingat na tinipon ang durog na salamin,  winalis sa pansurò . "Kumusta nga pala ang pinsan ninyo, Itay? Dumalaw kayo kangina, di ba?" (2)  Nailagay na ng babae ang lahat ng salaming basag sa pansurò . May kunot ng pag-aalala sa kanyang noo nang humarap sa...