Karraang at karso
KARRAANG AT KARSO sa pagitan ng wikang Ingles at Kastila mayroong dalawang Ilokanong salita na maganda rin namang ating maunawa nang maibahagi't magamit din ng madla pugon na hinukay sa lupa ang karraang sa bukid, ang karso ay kubong pahingahan dalawang salita, buhay sa lalawigan na sa mga makata'y dagdag-kaalaman wikang banyaga'y may katumbas pala rito kaya gamitin ang mga salitang ito halina't itula ang karraang at karso upang payabungin ang wikang Filipino - gregoriovbituinjr. 12.25.2022 * mula sa pahina 585 ng UP Diksiyonaryong Filipino