Posts

Showing posts from January, 2023

Sungkô

Image
SUNGKÔ minsan, kaibigan, ikaw ay aking susungkuin at nang makalabas ng bahay upang magpahangin magkumustahan at pagkwentuhan ang buhay natin magkape man o sa harap ng tagay o inumin balita ko, ikaw daw ay magiging isang sungkô talaga bang sapilitan kang kukunin ng hukbô upang magsanay, upang mananakop ay masugpô upang di agad sumukò, kundi dugô'y ibubô sa Ingles ay draft, sa basketbol din ay magagamit lalo sa sanaysay, kwento, gansal, tanaga, dalit upang payabungin ang wikang sa bayan umugit upang maging karaniwan pag dila ang bumitbit tulad ng sungkô na isa palang lumang salita na kung gamitin sa pagkatha'y magiging sariwa - gregoriovbituinjr. 01.04.2023 *  sungkô  - [Bikol, Sinaunang Tagalog] 1: pagdalaw sa isang tao upang anyayahang lumabas ng bahay; 2: [Militar] sapilitang pagkuha upang maglingkod sa hukbo, sa Ingles ay DRAFT,  - mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 1186