Posts

Showing posts from April, 2023

Paniwang

Image
PANIWANG paniwang ang tawag sa panlinis ng palikuran na dati-rati'y basta pangkuskos ang tawag riyan ngayon, may Sinaunang Tagalog pala - paniwang na nais ko na ring gamitin sa kasalukuyan tinatawag ko ngang "yung pang-ano" sa C.R. noon kumbaga sa kaldero, iyon 'yung pang-isis doon sa kasilyas, panlinis sa dingding ng C.R. iyon at sa inidoro, nang pumuti ang loob niyon kung 'pansuro' ang dustpan, na sa kwento'y nabasa ko ang 'paniwang' naman ay magagamit ding totoo habang itinataguyod ang wikang Filipino sa mga tumutula at nagsusulat ng libro gamitin din natin sa katalamitam na madla pahiram ng paniwang, gagamitin ko pong sadya lilinisin ko lang ang palikurang anong sama umitim na sa dumi ang kubetang napabaya kukuskusin ko ang mga dingding nitong paniwang sa inidoro, ibabaw, ilalim, pati siwang maiging linisin, paputiin nang walang patlang nakakapagod man ay gawing parang naglilibang - gregoriovbituinjr. 04.12.2023 * mula sa UP Diksiyonaryong Fili...

Salin ng mga termino sa matematika't agham

Image
SALIN NG MGA TERMINO SA MATEMATIKA'T AGHAM kung salin ng siyensya ay agham ang matematika ay sipnayan habang artitmetik ay bilnuran geometry naman ay sugkisan aba'y sinalin na pala ito sa sariling wikang Filipino aba'y lalo tayong matututo kung gamit ay wika natin dito ang set algebra'y palatangkasan habang ang algebra'y panandaan trigonometry ay tatsihaan statistics ay palautatan danumsigwasan ay sa hydraulics buhagsigwasan sa pneumatics initsigan sa thermodynamics habang liknayan naman sa physics timbulog, salin ng spherical tulad ng laumin sa integral tingirin naman sa differential ah, pagsalin na'y ating itanghal salin ng calculus ay tayahan biology naman ay haynayan salin ng equation ay tumbasan ang dynamics naman ay isigan salin ng monomial ay isakay sa binomial naman ay duhakay salin ng trinomial ay talukay at sa polynomial ay damikay tingni: isa, duha, talu, dami sa mono, bino, trino, at poly kapnayan ang salin sa chemistry haykapnayan sa biochemistry sa...

Dalawang "taong" naglalakad: Ano ang tamang bigkas?

Image
DALAWANG "TAONG" NAGLALAKAD: ANO ANG TAMANG BIGKAS? Maikling sanaysay ni Gregorio V. Bituin Jr. Narinig ko lang sa pinanonood ni misis ang isang banyagang pelikula sa kanyang selpon. Nasa wikang Filipino iyon, na isinalin sa wikang Ingles. Sa wari ko'y banyaga ang nagsasalita ng wikang Filipino. Agad kong hiningi kay misis ang kawing o link ng palabas, na makikita sa  https://www.facebook.com/watch/?v=1949598872061352 Narinig ko ang ganitong pananalita roon:  "Dalawang taong naglalakad..."  Mabilis ang bigkas sa  "taong"  na kung isasalin ko sa Ingles ay ganito: "Two years walking..." Gayong ang tinutukoy doon ay "dalawang tao", hindi "dalawang taon". Na kung isasalin ko sa Ingles ay "two men are walking", lalo't parehong lalaki ang tinutukoy, dahil sa mga pangalang Dale at Billy. Kung dalawang babae naman ay "two women are walking..." o "two girls" o "two ladies" at kung isa ay ...

Tambiling ang pasakalye

Image
TAMBILING ANG PASAKALYE pasakalye pala'y mula wikang Kastila na mayroong katumbas sa ating salita na magandang gamitin sa awiting sadya kapara'y tambiling na lokal na kataga pasakalye'y nakita ko sa Jingle noon subalit di na makita sa songhits ngayon nagbago na ba sa paglipas ng panahon? unti-unting nawala ang salitang iyon? buti't sa internet may nahanap pa ako kung paano ginamit ang salitang ito nina Willie Garte at April Boy Regino at Freddie Aguilar sa awiting "Bayan Ko" sa pinagsanggunian, kahulugang bitbit: ikalawa o huling bahagi ng awit iba'y tipa ng gitara ang ikinabit magkakaiba man, kayganda pang magamit pausuhin kaya ang salitang TAMBILING imbes na pasakalye sa ating awitin lumang salita ba itong dapat pawiin o salitang ito'y hanguin at gamitin baka makata lang ang dito'y may interes ang paghanap ng salitang kanais-nais lalo na't may lokal na salitang kaparis mula sa banyagang sa atin ay umamis - gregoriovbituinjr 04.09.2023 Pinagha...