KASUMARAN pala'y anibersaryo
KASUMARAN PALA'Y ANIBERSARYO may katutubong salita pala tayo sa wikang Espanyol na anibersaryo ito ang KASUMARAN mula Sebwano salitang taal na wikang Filipino tara, gamitin natin ang KASUMARAN sa mga petsang ating ipagdiriwang sa Hulyo'y Kasumaran ng Katipunan di ba, ayos, di naman pangit pakinggan itaguyod ang katutubong salita ipalaganap upang gamiting sadya ang di raw magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda ang mahalaga sa bawat nahagilap na salita'y unawa't ipalaganap gawin ito nang may buong pagsisikap nang sa kalaunan ay gamiting ganap - gregoriovbituinjr. 05.12.2023 * mula sa U.P. Diksiyonaryong Filipino, p.591