Panlapi't salitang ugat
PANLAPI'T SALITANG UGAT HUWAD ba ang salitang ugat ng HUWARAN? ULID ba o ULIR pagdating sa ULIRAN? tiyak na TIPON ang ugat ng KATIPUNAN at LIPON ang salitang ugat ng LIPUNAN salitang ugat ba'y inimbentong salita? salin ng Ingles na rootword sa ating wika? sunod ba tayo sa gramatikang banyaga? o may sarili't panuntunang balarila? salitang ugat pag nilagyan ng panlapi tiyak kahulugan na'y magbabagong uri sa unaha'y unlapi, sa gitna'y gitlapi halimbawa sa itaas nama'y hulapi lagyan mo ng panlapi ang salitang SAMPAY MAG SAMPAY, NAGSA SAMPAY, SAMPAY AN , S IN AMPAY lahat ng panlapi nga'y nagamit mong tunay depende sa panahon ang panlaping taglay ganyan umiinog ang ating gramatika panlapi't salitang ugat, pinagsasama pabago-bago ma'y unawa mo talaga nababatid ang sayusay o retorika - gregoriovbituinjr. 07.21.2023