Posts

Showing posts from January, 2024

SIBI at LAOG

Image
SIBI AT LAOG Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Bigyang pansin natin ang dalawang salitang bago sa ating pandinig, na marahil ay ginagamit na salita sa lalawigan.  Ito ang  SIBI  at ang  LAOG . Sa ikatlong Krosword sa pahayagang Abante, Enero 15, 2024, pahina 7, ay nakita natin ang  SIBI  na siyang lumabas na sagot sa  28: Pababa na ang tanong ay BALKON . Sa Diwang Switik naman na palaisipan sa pahayagang Pang-Masa, Enero 16, 2024, pahina 7, ay nakita natin kung ano ang  LAOG . Iyon kasi ang lumabas na sagot sa  12: Pababa na ang tanong ay LAYAS . Ang kahulugan ng SIBI, mula sa Diksyunaryong Filipino-Filipino (DFF), na inedit ni Ofelia De Guzman, ay:  habong na nakakabit sa gilid ng bahay, balkon, balkonahe.  Sa UP Diksiyonaryong Filipino (UPDF) naman, pahina 1131, ang  SIBI  ay salitang arkitektura na nangangahulugang  1: nakahilig na silungan. karaniwang nakakabit sa dingding ng isang bahay o nakadug...

Ang wastong gamit ng gitling sa panlaping ika

Image
ANG WASTONG GAMIT NG GITLING SA PANLAPING IKA Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Paano nga ba ginagamit ang gitling sa panlaping ika? Sa pagkakaalam ko, ginagamitan ng gitling ang ika pag ang kasunod na salita ay numero.  Ang ika ay panlapi, kaya ikinakabit ito sa salitang-ugat. Kaya bakit lalagyan ng gitling kung naging salita na ang pagkakabitan ng ika? Halimbawa, ikaapat, ikalima, ikaanim. Pag numero na sila, lalagyan na ng gitling, ika-4, ika-5, ika-6. Nakita ko na naman ang ganitong pagkakamali sa palaisipan sa isang pahayagan ngayong Enero 16, 2024. Sa unang larawan ay makikita sa 4: Pahalang ang Ika-apat na buwan. Dapat ay Ikaapat na buwan.  Sa aklat na  Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos, sa Kabanata VI, Ang Palagitlingan, pahina 58 , ay ganito ang nakasulat (tingnan din ang ikalawang larawan): (m) kung gamit sa pagbilang ng mga nagkakasunud-sunod na hanay, at ang bilang ay di mga salita kundi mga titik-bilang o tambilang (numero, figure...

Ang frost o andap

Image
ANG FROST O ANDAP Munting sanaysay at tula ni Gregorio V. Bituin Jr. Ang frost ba sa salitang Benguet ay andap? Ito ang nabasa ko sa balita sa pahayagang Abante, Enero 15, 2023, pahina 3. Ang balita ay may pamagat na  "Mga Benguet farmer inalerto sa frost" . Ayon sa unang talata ng balita:  "Naghahanda na ang mga magsasaka ng Atok, Benguet sa magiging epekto ng 'frost' o 'andap' dahil sa lalong tinatamaang lamig sa Benguet." Tinanong ko si misis hinggil dito pagkat siya't taga-La Trinidad, Benguet, at ang mga ninuno'y taga-Mountain Province, at halos dalawang taon ding nagtrabaho sa Atok. Subalit hindi niya arok kung ano ang andap, pagkat ang alam din niya, ang andap ay salitang Tagalog, na ibig sabihin ay kutitap o patay-sindi. Nagagamit ko rin ang andap sa pagtula tulad ng aandap-andap ang buhay ng mahihirap. Si misis ay Igorota subalit ang salita sa Atok, ayon sa kanya, ay Ibaloi. Nakakita na ako ng diksyunaryong Ibaloi, na makapal, subali...

Ang tamang gamit ng RITO at DITO

Image
ANG TAMANG GAMIT NG RITO AT DITO "Bawal Umihi Rito"  ang nakita kong paalala sa isang pader sa T. Alonzo St. sa Baguio City, malapit sa Baguio Center Mall. Wow! Karaniwan nang nakikita ko sa kinalakhan kong Maynila, ang nakasulat ay "Bawal Umihi Dito." Mas tumpak ang paalala sa Baguio City. Talagang batid nila ang turo mula  sa Balarila ng Wikang Pambansa, na sinulat ng lider-manggagawa at nobelistang si Lope K. Santos. Ayon sa Balarila, ginagamit ang RITO kung ang sinundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel), tulad ng "Bawal Umihi Rito", subalit kung nagtatapos sa katinig (consonant), ang ginagamit na ay DITO. Halimbawa, "Bawal Tumawid Dito", at hindi "Bawal Tumawid Rito." Gayon din ang gabay sa paggamit ng RIN at DIN, RAW at DAW, ROON at DOON, RINE at DINE, RIYAN at DIYAN, atbp. Nang mapadaan ako sa paalalang iyon sa pader sa Baguio, hindi ako nakaamoy ng mapalot o mapanghi, na ibig sabihin, sinusunod iyon ng mga tao, at walang u...