Kandila pala'y sasang
KANDILA PALA'Y SASANG nakita ko ang tanong sa palaisipan ano ang SASANG sa Apatnapu Pahalang di ko alam, sagot dito'y pinagpaliban ang mga Pababa muna ang sinagutan at salitang Kandila ang lumabas dito ako'y duda, tiningnan ko sa diksyunaryo nakitang SASANG nga ang kahulugang wasto isang pangngalan o noun ang salitang ito ang sasang pala'y taal na sariling wika ang kandila nama'y mula wikang Kastila may magagamit nang salitang bago't luma upang ibilang sa arsenal ng pagtula sa libingan, sasang ay aking itutulos sa nangamatay na inaalalang lubos salamat sa palaisipan at natalos na sasang sa pagluha'y unting nauubos - gregoriovbituinjr. 02.27.2024 * sasang - kandila , mula sa UP Diksiyonaryong Filipino,. pahina 1106 * palaisipan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Pebrero 25, 2024, pahina 10