Posts

Showing posts from October, 2024

Mangingisda na nawala o mangingisdang nawala? Natagpuan na buhay o natagpuang buhay?

Image
MANGINGISDA NA NAWALA O MANGINGISDANG NAWALA? NATAGPUAN NA BUHAY O NATAGPUANG BUHAY? para bang kompyuter o kaya'y google ang nagsalin kaya di mahusay ang gramatika pag suriin parang di Pinoy kundi barok yaong tagasalin sa aking puna, hingi ko'y pasensya, paumanhin "mangingisda na nawala"  ang sabi sa balita mukhang artificial inteligence ang nagsalita kung totoong Pinoy, tiyak  "mangingisdang nawala" o kaya sasabihin ay  "nawalang mangingisda" "natagpuan na buhay"  o  "natagpuang buhay"  ba? dalawang pariralang di na-edit, di nakita? ang ganito'y sinalin ng google o A.I., di ba? parang Kastilaloy o barok pag ating binasa halatang pinasalin lang sa kompyuter ang Ingles ngunit di pa kabisado ng  A.I.  kaya mintis kumbaga salita sa salita, di pa makinis ang pangungusap, kahit teknolohiya'y kaybilis kaya masasabi mong bano pa rin iyang A.I. na sa balarilang Filipino'y di pa mahusay ngunit hintay, sa ating pagpuna'y m...