Anag-ag at dapat walang gitling sa ika
ANAG-AG AT DAPAT WALANG GITLING SA IKA ako'y natigilan sa " Malabong liwanag" tanong yaon sa Tatlumpu't isa Pahalang sa krosword nitong Pilipino Star Ngayon pagkat may tatlong sagot na simula ay "A": salitang ANINAW , ANINAG , at ANAG-AG at ANAG-AG ang lumabas na tamang sagot subalit sa Dalawampu Pahalang naman bakit may gitling sa "ika-sampung bahagi" aba'y nakasanayan na ang gayong mali habang walang matang sa mali'y nagsusuri bilang makatâ kaya iyon pinapansin ang "ika" ay isang panlaping kinakabit sa salitang ugat kaya idinidikit ito ng walang gitling, at sa balarila kung numero na saka lalagyan ng gitling ang wasto ay ikasampu, di ika-sampu pag numero, ika-10, di ika10 dapat matuto sa paggamit nitong gitling lalo sa panlaping" ika", tandaan natin ang mali punahin, ang wasto pairalin - gregoriovbituinjr. 06.01.2025 * palaisipan mula sa pahayagang Pilipino Star Ngayon, Mayo 31, 2025, pahina 11