Posts

Showing posts from June, 2025

Imbes "pero" ay "ngunit" o "subalit"

Image
IMBES "PERO" AY "NGUNIT" O "SUBALIT" nagsisimula si Kara David sa "Pero" sa pagsusulat daw ng iskrip bilang intro na salitang Kastilang iniiwasan ko pagkat may katumbas sa wikang Filipino madalas sa aking pagkatha'y ginagamit na imbes na "PERO" ay "NGUNIT" o "SUBALIT" ito'y BUT sa Ingles na palagi kong bitbit kaya "pero" ay iniiwasan kong pilit baka sasabihin nilang ako'y purista wikang Filipino'y tinangkilik talaga kaya magtataguyod nito'y sino pa ba? kundi ang gaya kong dukha't lingkod ng masa gamit sa maralita't uring manggagawà imbes na sa gahaman, burgesya't kuhilà halina't itaguyod ang sariling wikà at nang matangkilik ang katutubong diwà - gregoriovbituinjr. 06.22.2025 * bidyo mula sa pahina ni Kara David sa kawing na:  https://fb.watch/Ank48PGUH_/   * paksa'y Scriptwriting Tips: Episode 4 - The Power of 'Pero' in Writing Your Introduction

Ang nektar pala'y lagdó

Image
ANG NEKTAR PALA'Y LAGDÓ ang nektar pala'y  lagdó  sa sariling wika mula raw sa Waray ang nasabing salita na sa bulaklak ay matamis na likido na mga bubuyog ang nagtipong totoo upang gawing pulot-pukyutang anong tamis upang lumakas tayo't gumanda ng kutis kaygandang ambag ng Waray sa panitikan at sa sariling wika nitong sambayanan  halina't simulan nang gamitin sa katha lalo na sa pagsulat ng tula, pabula, sa kwento, dagli't sanaysay ay pagyamanin sa pagtaguyod ng sariling wika natin ang bubuyog ay palipat-lipat ng rosas upang  lagdó  roon ay subukang makatas at ito'y tinitipon upang gawing pulot na sa kalusugan nati'y kaygandang dulot - gregoriovbituinjr. 06.07.2025 * mula sa AlpabeTuklas! ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)