Posts

Showing posts from July, 2025

Maling sagot sa krosword (Hinggil sa Pambansang Wika)

Image
MALING SAGOT SA KROSWORD (Hinggil sa Pambansang Wika) sa Ikalabingwalo Pababa yaong tanong ay Pambansang wika wikang Filipino ba ang tama? ngunit pitong titik lang, ano nga? Pababa't Pahalang, sinagutan Tagalog yaong kinalabasan subalit iba ang katanungan dapat ay wasto ang katugunan kung historya'y aaraling lantay sa Tagalog lamang ibinatay ang Pambansang Wika, siyang tunay nasa batas at laksang talakay di Pambansang Wika ang Tagalog kundi Filipino, na sa krosword sa tanong ay mali ang sinagot ito'y dapat huwag itaguyod kung anong tama batay sa batas iyon ang ating ipalaganap dapat iyon ay ating mawatas at ang mali'y huwag tinatanggap - gregoriovbituinjr, 07.18.2025 * krosword mula sa pahayagang Abante Tonite, Hulyo 17, 2025, p. 7