Ang kahalagahan ng tuldik
ANG KAHALAGAHAN NG TULDIK talagang mahalaga ang gamit ng tuldik na nilalagay sa ibabaw ng patinig upang maunawà ang bigkas ng salitâ at wastong kahuluga'y mabatid ding sadyâ halimbawa sa nailathalang balità: doble ang kahulugan ng "magkakaanak" "magkakaának" kung sila'y magkamag-anak "magkakaanák" kung buntis na ang kabiyak pansinin mo ang tuldik na "á" sa salitâ naroon ang diin ng bigkas ng katagâ upang kahulugan ay agad maunawà bagamat di nagamit doon sa balità saan dapat itapat ang tuldik-pahilis ay dapat batay sa bigkas at kahulugan kaiba sa tuldik-paiwâ at pakupyâ na nararapat lang nating maintindihan - gregoriovbituinjr. 12.31.2025 * ulat mula sa pahayagang Bulgar, Disyembre 23, 2025, p.2